Hi guys...sorry sa mga nainip, sorry sa mga natulog na lang at tumulo ang laway sa kakahintay ng announcement...may pinagpopokusan lang ako these days. BUT ETO NA PO, ENOUGH EXCUSES AT GO, GO, GO NA TAYO!
Last, Feb, nag-usap ang mga officers and then, we decided to have major and minor activities (although feeling ko kahit minor ay major pa rin). Napag-isipan namin na wag munang i-push through yung tree planting and medical missions this year kasi those events required a lot of time which means kailangan nating upuan talaga ang dalawang iyon. So para magkaroon pa ng time para maging maayos yun, we came up with the decision na i-move yun next year. Instead, nag-isip kami based on your suggestions kung ano ang dapat at pwede. At ito nga yung mga nakasulat sa baba. Ayan...sige, paki-basa na lang po...
1. Summer Amazing Race (MAY 21 - 22)
The good news is tuloy pa rin ang ating Summer Amazing Race and it's going to be super fun...it will be on May 21 and 22...that's Friday and Saturday po kaya pwedeng-pwede pa rin tayong makatupad lahat sa church ng linggo. Gaganapin ito somewhere in Subic. Kung saan, inaasikaso pa namin 'yan nina Angelica, Sheila, Rejie, Julius, Jen, Eden atbp. All I can say is exciting ito dahil magkakaroon po tayo ng survivor games. Ang two day event na ito ay hindi basta-basta dahil may programs po ito.
Pero teka...ano ba itong amazing race / survivor games na pinagsasabi ko? Well, kung ilan po ang sasama ay hahatiin po natin sa 3 or 4 groups to be lead by one of our teachers. Clear ko lang na magsisimula ang amazing race mismo sa Subic at hindi sa highway ha. Baka kasi mag-unahan tayo papuntang Subic eh baka kung ano pa ang mangyari sa atin. Pagdating sa Subic, bibigyan tayo ng colored bandanas which will represent kung kaninong grupo ka. Sa first day, magkakaroon tayo ng beach volleyball game. Sa second day naman, magkakaroon tayo ng 3 mini-games. At sa gabi, dun i-a-announce ang mananalo plus prizes.
Alam ko na naguguluhan kayo kung paano gagawin itong games na ito pero I assure you na inaayos na namin ito.
2. Let's Run! (SEPTEMPER 2011)
Magkakaroon po tayo ng fun run. Benefit project po ito. Ikukunsulta ko muna ito sa school kasi I was thinking na ang makukuhang fund dito ay gagamitin natin para bumili ng projectors, basketballs, volleyballs, or any other things na kailangan sa elementary at sa high school. But I think, ma-a-approve naman ito. I will push na ma-approve ito. Sa tingin ko kasi, ito ang pinakaseryosong first project natin for the school.
3. December party with a cause (DECEMBER 4, 2011)
December 4 ang event na ito. Hindi pa ito final. Suggestions are, magkaroon ng two parts ito. Daytime of December 4 will be spend at a charity home and then, night time, party till we drop tayo. Matagal pa naman ito so we will have enough preparation for that.
4. Career Orientation (FEBRUARY 2012)
First Saturday of February. Our batch will send representatives to the school para magkaroon ng seminar tungkol sa kung anong career ba ang dapat kong kunin? anong kurso ba ang dapat kong tahakin - yung gusto ko o yung gusto ng parents ko? Paano kung gusto ko mag-shift? Etc...etc...Sa University Hall ito gaganapin so we need powerpoints, videos and everything. In short, we all need you to make this happen dahil tutulungan natin ang younger Eraians to decide for their future kaya importante ito. Future ito eh! Sa lahat ng gustong maging speaker dito. Please tell me, okay, so we can discuss it.
5. Tree Planting (MARCH 2012)
Ito ang first serious attempt natin to give back sa environment. Ewan ko sa inyo pero ako kasi environmentalist ako. Hindi ako nagtatapon ng balot sa dyip o kalsada. In fact, hindi talaga ako kumakain ng balot. Yung sabaw lang ang gusto ko. Okay, let's be serious na...sa March of 2012 ito. Matagal pa naman ito so pwede pa tayong petiks. If ever maging successful ito kasi, pwede na tayong lumevel up sa medical missions, di ba? =)
SO NGAYON...mag-focus na muna tayo doon sa Summer Amazing Race which is next month na. May program na ito kaya lang yung notebook na pinagsulatan ko ay naiwan ko sa isang writer kaya give me until Friday this week, para mag-isip ulit. Ang ayusin muna natin ngayon ay attendance kasi may event. Alangan naman na may event tapos walang attendance.
Sa mga sasama po sa May 22 at 23...please text me at 0920-311-61-89 for your attendance at para maayos na rin yung groups. A week before the event, i-a-announce ko rin dito kung sino ang mga teachers na sasama. Every week po ay mangungulit ako sa attendance ninyo.
at sa mga officers, mag-me-message ako ulit para dun sa final program na gagawin natin.
at sa lahat ng batchmates ko...ito na po ang pinakahihintay natin...let's make this happen! kaya natin ito!
at p.s. pala - kapag nagtext po kayo ay magpakilala po kayo. salamat po =)
teka lang, bago ko malimutan..sa every event na pupunta po kayo ay may makukuha po kayong souvenirs like bandanas, cups, pins, shirts, at siyempre ang pinakahalaga - MEMORIES TO TREASURE WITH. Yun ang pinaka-priceless sa lahat!