Monday, October 29, 2012

the magic of blurredlights

i really like jason.
hindi yung like na like ha.
yung like na more of admiration and wish na sana mas maraming lalake na gaya niya.
endangered species na kasi yung gaya ni jason na mahilig magbasa ng libro.
kaya nga natatawa ako one time, nung narinig ko yung iba kong workmates saying na mahirap daw ka-date si jason kasi baka puro libro lang daw ang usapan kasi iba nga yung level ng utak niya.
parang ang weird daw.
pero ako, i don't find him weird.
in fact, isa siya sa mga paborito kong kausap sa mga kasama ko sa trabaho.
i never get tired na mag-usap kami about books, movies and even philosophies.
i know na addict siya sa doctor who which up to this i still don't understand dahil isang episode pa lang ng doctor who ang napapanood ko but yes, pag nakabili na ko ng TB, manghihingi ako ng copies sa kanya ulit and watch it.

si jason din yung among my GMA friends na kapag super down ako at kapag may sinabi siya eh i am gonna be okay. he says the right words kahit one liner lang yan.
he's never afraid to tell me (like geng and onay) how wrong i am.
and i appreciate it.
pag kausap ko siya, feeling ko eh henyo ako! (katulad ng nararamdaman ko with geng and onay)
kaya ako, i really enjoy being with jason or just talking and texting him eh. he reminds me of my boys. ang difference nga lang, tarantado ang mga barkada ko pero si jason, yes, he can be crazy in his own way na nakakatuwa rin naman.

kaya minsan, di ko yata napigilan ang sarili ko at nasabi ko na thank you kasi he makes me feel okay. para siyang may magic sa words. he knows to make me feel happy just by words! magic nga eh!
ang isa pang maganda kay jason, okay, hindi na siya naniniwala sa Church but he respects everyone's belief about religions.
o di ba?! astig na tao!
kaya ako, i really thank God na sa workplace ko ay may isang blurredlights at nakilala ko siya at naging kaibigan. happy ako na nakilala ko siya at nakasama sa trabaho.

Saturday, January 28, 2012

my funny answer in legal accounting due to Alice Bungisngis


Share ko tong funny story ko sa legal accounting class kanina.

Obviously, lutang pa ko dahil kakatapos ko lang mag-midterm exams sa Campus Journ…sana perfect…or sana kahit 5 mistakes ay pwede na…but anyway, isa rin sa reason kaya ako lutang ay dahil sa ginagawa ko yung liners ng Alice Bungisngis which is may environmental thoughts and lessons.

At dahil dyan, yan ang naisagot ko sa klase.

Sir: Ms. Lustica, what do you mean by the term, waste? Can you still use it? Can it still be an asset?

Me:  Yes, Sir. For example, there is manure, you can still use it as a fertilizer. But toxins from the factory are already waste and hazardous to health and the environment. So, sir, it depends upon the waste.

(I-e-expound ko pa sana yung sagot ko na, for example, I have a chicken and that is my asset. And this chicken has manure, I can still sell it and that waste is still an asset. But if I own a factory and my factory produces toxic wastes, I cannot sell these toxic wastes because it is really a waste. Pero hindi ko na nasagot ang bahaging ito dahil lumipad na ang isip ko kasama si Alice Bungisngis. Inisip ko, anak ng tokwa…nai-save ko kaya yung ginawa ko sa email ad ko eh wala akong baong flash drive?.)

Pero hindi ako nakapag-expound ng sagot. Nagtawanan yung mga kaklase ko sa sagot ko.

Sir: Oh, thank you for your environmentalism thoughts. Your answer is good. It really depends.

Me: (lekat! Literal na waste ang example ko dahil manure! Tae! Bwiset!)

Friday, January 20, 2012

libreng anti-rabies shot para sa mga taga-qc

ilang beses na kong nakagat ng mga aso namin.
i mean, kung tama ang bilang ko ay nagkaroon na kami ng 23 dogs at lahat iyon ay nakagat ako.
di ako nagpa-injection before kasi di naman ako naniniwala sa rabies-rabies na yan!

pero nung kinagat ako ni Clark nung January 19 ay panay ang texts, tawag at fb posts ng mga barkada ko na magpa-injection ako kasi nga raw, mahirap na at baka isang araw ay maging ulol na lang ako.
so ayun, sinunod ko naman sila, plus, sabi ko, di pa ko pwedeng matigok dahil wala pa akong bunga.
seryoso, yun talaga ang nasa isip ko. ang pagbubunga.





but let's go back to the topic.
LIBRENG ANTI-RABIES SHOT.
at first, ayoko ng pila kaya sabi ko sa sarili ko. kung 3k lang ang gagastusin ko sa st. lukes ay dun na ako.
pero hindi pala kasi 12k siya tapos 3k for the last 2 sessions at hindi pa kasama doon ang professional fee at opd fee. so scrap, st. lukes. hindi ako gagastos ng 12k para lang sa anti-rabies shots! pero kung red wine yan, margarita, jc, vk, b101, gs, jw ay oo, gagastos ako at magho-hotel pa! kasi parang sorry ha, pero 12k?! no way! eh ang dami ko nang magagawa sa 12k noh!

no choice ako which is san lazaro.
may connection naman ako doon para di na ako pumila pero ako kasi yung tipo ng tao na as much as possible ay ayokong gumamit ng connection. di ko siya kailangan lalo na kung kaya ko namang magtiis sa pila. at saka, iniisip ko yung iba pang tao na naghirap pumila tapos ako ay gagamit lang ng koneksyon?! that's not me. oks lang na may pila pero shet naman, wag naman yung oa na pila! ayoko rin sa san lazaro dahil sa maynila siya so may travel time pa ko like matra-traffic which is a major pwe! dahil may work stuff at school stuff ako. tapos, mahaba na nga ang pila! hindi pa aircon! meaning hulas ka na sa end of the line and to make matters worse, kailangan mo pa raw maghanap ng partner para sa vials! eh pano kung wala kang mahanap?! effort pa sa paghahanap! so scrap, san lazaro.

and then, bang!
thanks to facebook!
marianne told me that libre sa qc hall.
so i did my research. look for the number ng qc hall, health department and called them.
and true, libre nga lang talaga!
sabi nung nakausap ko, i have to go sa kanila at 8am to 12 noon for the shots.

marianne also told me na kapag nakagat ng aso ay ito ang mga dapat na gawin based sa flyer ng department of health ng qc hall.

1. hugasang mabuti ang sugat sa running water for 5 minutes. sabunin din siya.
2. lagyan ng betadine.
3. uminom ng penicillin.
4. magpa-anti rabies shot.
5. i-observe ang aso ng 10 to 15 days. pag buhay pa siya at di nagkasakit. wala siyang rabies. pag namatay at nagkasakit. manalangin ka na at magpapahid ng langis dahil bilang na ang oras mo sa mundo.


so, dahil sa naalarma naman ako dahil wala akong bunga sa 2014. i decided na talagang magpunta ng city hall since LIBRE naman kaya kahapon ng umaga, gising na ko ng 4:30 am kasi i did ILAM highlights, read ALICE scripts and treatments.
6:30 am, i had my breakfast and then 7:30am, i went to city hall, gate 5.

at eto ha!
WALANG PILA!
KAHIT MAGLUPASAY KA AY OKAY LANG!
NAPAKALAWAK!
PWEDE KANG KUMANTA AT MAGKAROON NG DANCE NUMBER!
pang-number 17 ako at bumili na lang ako ng 14 pesos na syringe sa ale and then, viola, after 5 minutes ay tinawag na ko.
pero eto ang nakakatawa.
ang sungit kasi ng doktora.
so sabi ko, mapapangiti ko tong si ate.
eh kasi natakot ako eh kasi basta na lang niya tinuturok yung bakuna eh bawal akong biglain ng tusok ng karayom kasi namumutla at hinihimatay ako noh. kaya sabi ko, dapat ma-charm ko tong doktora na to.
hehehe, and i did.
wala lang. gusto lang sabihin kasi i like charming people.
nakakatuwa kasi pag napapangiti ko sila.

anyway, back to the topic again.
the doctor said na libre ang first and fourth shots ko and those consist of anti-rabies and anti-tetano.
tapos yung 2nd at 3rd shot ko ay kailangan ko nang magpunta sa isang clinic somewhere in matalino street.
600 pesos lang ang magagastos ko sa each shot which is the same price rin sa lazaro at okay na rin kasi qc area so happy kasi ang lapit lang naman.
the doctor said na dapat ay sundin ko ang sked or else, back to first shot na naman ako.

so, ayun, happy ako na nagpa-shot ako ng anti-rabies.
feeling ko ay safe na ko ngayon pero magpapapahid pa rin ako ng langis bukas.
mahirap na at mas may tiwala pa rin ako sa prayers noh.
i just shared this story kasi in case, makagat kayo ng aso eh we have qc city hall health department na handang tumulong sa atin.
and best of all, NGAYON KO LANG NA-FEEL NA MAY PINUPUNTAHAN ANG BINABAYARAN KONG TAXES. HAPPY =)

i am pasting here contact details of the said clinic para kung sakali (pero wag naman sana) ay nakagat po kayo ng aso. .



Quezon City Health Department
Dr. Antonieta V. Inumerable
City Health Officer
Gate 5, City Hall Compound
926-6848 / 929-7539 / 929-8038 / 929-8902



and p.s.
just bring ID nga pala na may address nyo sa qc kasi kailangan daw pero di ko naman din nagamit yung dala ko. bring na lang kasi baka hanapan kayo