i mean, kung tama ang bilang ko ay nagkaroon na kami ng 23 dogs at lahat iyon ay nakagat ako.
di ako nagpa-injection before kasi di naman ako naniniwala sa rabies-rabies na yan!
pero nung kinagat ako ni Clark nung January 19 ay panay ang texts, tawag at fb posts ng mga barkada ko na magpa-injection ako kasi nga raw, mahirap na at baka isang araw ay maging ulol na lang ako.
so ayun, sinunod ko naman sila, plus, sabi ko, di pa ko pwedeng matigok dahil wala pa akong bunga.
seryoso, yun talaga ang nasa isip ko. ang pagbubunga.
but let's go back to the topic.
LIBRENG ANTI-RABIES SHOT.
at first, ayoko ng pila kaya sabi ko sa sarili ko. kung 3k lang ang gagastusin ko sa st. lukes ay dun na ako.
pero hindi pala kasi 12k siya tapos 3k for the last 2 sessions at hindi pa kasama doon ang professional fee at opd fee. so scrap, st. lukes. hindi ako gagastos ng 12k para lang sa anti-rabies shots! pero kung red wine yan, margarita, jc, vk, b101, gs, jw ay oo, gagastos ako at magho-hotel pa! kasi parang sorry ha, pero 12k?! no way! eh ang dami ko nang magagawa sa 12k noh!
no choice ako which is san lazaro.
may connection naman ako doon para di na ako pumila pero ako kasi yung tipo ng tao na as much as possible ay ayokong gumamit ng connection. di ko siya kailangan lalo na kung kaya ko namang magtiis sa pila. at saka, iniisip ko yung iba pang tao na naghirap pumila tapos ako ay gagamit lang ng koneksyon?! that's not me. oks lang na may pila pero shet naman, wag naman yung oa na pila! ayoko rin sa san lazaro dahil sa maynila siya so may travel time pa ko like matra-traffic which is a major pwe! dahil may work stuff at school stuff ako. tapos, mahaba na nga ang pila! hindi pa aircon! meaning hulas ka na sa end of the line and to make matters worse, kailangan mo pa raw maghanap ng partner para sa vials! eh pano kung wala kang mahanap?! effort pa sa paghahanap! so scrap, san lazaro.
and then, bang!
thanks to facebook!
marianne told me that libre sa qc hall.
so i did my research. look for the number ng qc hall, health department and called them.
and true, libre nga lang talaga!
sabi nung nakausap ko, i have to go sa kanila at 8am to 12 noon for the shots.
marianne also told me na kapag nakagat ng aso ay ito ang mga dapat na gawin based sa flyer ng department of health ng qc hall.
1. hugasang mabuti ang sugat sa running water for 5 minutes. sabunin din siya.
2. lagyan ng betadine.
3. uminom ng penicillin.
4. magpa-anti rabies shot.
5. i-observe ang aso ng 10 to 15 days. pag buhay pa siya at di nagkasakit. wala siyang rabies. pag namatay at nagkasakit. manalangin ka na at magpapahid ng langis dahil bilang na ang oras mo sa mundo.
so, dahil sa naalarma naman ako dahil wala akong bunga sa 2014. i decided na talagang magpunta ng city hall since LIBRE naman kaya kahapon ng umaga, gising na ko ng 4:30 am kasi i did ILAM highlights, read ALICE scripts and treatments.
6:30 am, i had my breakfast and then 7:30am, i went to city hall, gate 5.
at eto ha!
WALANG PILA!
KAHIT MAGLUPASAY KA AY OKAY LANG!
NAPAKALAWAK!
PWEDE KANG KUMANTA AT MAGKAROON NG DANCE NUMBER!
pang-number 17 ako at bumili na lang ako ng 14 pesos na syringe sa ale and then, viola, after 5 minutes ay tinawag na ko.
pero eto ang nakakatawa.
ang sungit kasi ng doktora.
so sabi ko, mapapangiti ko tong si ate.
eh kasi natakot ako eh kasi basta na lang niya tinuturok yung bakuna eh bawal akong biglain ng tusok ng karayom kasi namumutla at hinihimatay ako noh. kaya sabi ko, dapat ma-charm ko tong doktora na to.
hehehe, and i did.
wala lang. gusto lang sabihin kasi i like charming people.
nakakatuwa kasi pag napapangiti ko sila.
anyway, back to the topic again.
the doctor said na libre ang first and fourth shots ko and those consist of anti-rabies and anti-tetano.
tapos yung 2nd at 3rd shot ko ay kailangan ko nang magpunta sa isang clinic somewhere in matalino street.
600 pesos lang ang magagastos ko sa each shot which is the same price rin sa lazaro at okay na rin kasi qc area so happy kasi ang lapit lang naman.
the doctor said na dapat ay sundin ko ang sked or else, back to first shot na naman ako.
so, ayun, happy ako na nagpa-shot ako ng anti-rabies.
feeling ko ay safe na ko ngayon pero magpapapahid pa rin ako ng langis bukas.
mahirap na at mas may tiwala pa rin ako sa prayers noh.
i just shared this story kasi in case, makagat kayo ng aso eh we have qc city hall health department na handang tumulong sa atin.
and best of all, NGAYON KO LANG NA-FEEL NA MAY PINUPUNTAHAN ANG BINABAYARAN KONG TAXES. HAPPY =)
i am pasting here contact details of the said clinic para kung sakali (pero wag naman sana) ay nakagat po kayo ng aso. .
Quezon City Health Department
Dr. Antonieta V. Inumerable
City Health Officer
Gate 5, City Hall Compound
926-6848 / 929-7539 / 929-8038 / 929-8902
and p.s.
just bring ID nga pala na may address nyo sa qc kasi kailangan daw pero di ko naman din nagamit yung dala ko. bring na lang kasi baka hanapan kayo
Hi! Ask ko lang po, dun sa city hall, intramuscular po ba injection na ginawa sa'yo or intradermal? Thanks!
ReplyDeleteIntradermal injection
ReplyDeleteKailangan po ba na taga Q.c talaga?
ReplyDeletehi hanggang ngayun ba libre parin yung bakuna dun? nakagat kase ako nung monday eh ng aso ko sa leeg ko. at sabi daw bukod sa anti-rabies vaccine need ko din daw magpa vaccine ng erig.
ReplyDeletepag d b taga quezon city d pwede magpainject?
ReplyDeleteWhat brand po ng antirabies binigay?
ReplyDeleteWhat brand po ng antirabies binigay?
ReplyDeletesan po banda sa qc sir
ReplyDelete