Sunday, May 15, 2011

the Lord will provide

tinanong ako ng isa kong friend two months ago, ano raw ba ang ideal kong sahod?
sinagot ko siya na 20k.
sabi niya ang liit naman daw.
akala ko kasi ang tinutukoy niya ay rate ng isang sulat kaya 20k ang sinagot ko.
kaya naman, 20k ang sinagot ko kasi alam ko na nagsisimula pa lang ako.

pero sa totoo lang, may takot ako na lumaki ang sweldo ko.
pero siyempre, gusto ko. sino ba naman ang hindi gusto na lumaki ang sweldo, di ba?
ang sa akin lang, ayokong malango sa pera kasi pera lang yan at mas maraming mahalagang bagay kaysa pera.

dati, nung P.A. ako, tatlo ang shows ko at umabot ako sa point na ang laki talaga ng sinusweldo ko pero pag-uwi ko ng bahay, napakalungkot ko. tambak ang hugasan. tambak ang labahan. tambak ang bills. at hindi ako masaya.
pano ba naman ako sasaya eh hindi nasa iisang bahay lang kami ng pamilya ko pero hindi ko na sila literal na nakakausap! uuwi ako ng 15 minutes para lang maligo o kaya magbihis tapos balik ulit sa work.
hindi naman ako nagco-complain sa work load ko. kasi adik naman ako sa trabaho.
ang nakakalungkot ay yung malaki ang sweldo mo tapos hindi mo mai-share sa pamilya mo kasi wala kang time for them.
so what i did was, i quit my other job. nabawasan ako ng isang show. natapyasan ang sweldo ko pero masaya naman ako kasi nakakausap ko yung family at friends ko.

pera? napapalitan yan pero yung time mo sa mga taong mahal mo, hindi yun pwedeng palitan o bilhin ng pera kasi once in a lifetime lang yun.

these days,  medyo nagmo-move on pa ako after a sad moment in my life. kung anuman yun, hindi ko na sasabihin pa dito. hindi dahil sa nahihiya ako kundi dahil sa ayoko na siyang ulit-ulitin sa utak ko. ang importante ngayon ay magkaroon ako ng speedy recovery para magawa ko yung dapat kong gawin.

sa totoo lang, nababagalan nga ako sa coping mechanism ko pero ang punto ko lang, ayokong gawin ito for the sake na "makaraos lang" o kaya "sa wakas, ipapasa na kita!"

ayoko nang ganun kasi parang binabastos ko na mismo ang sarili ko.
ayoko.

gusto ko kasi, kung magkano man ang sweswelduhin ko sa isang bagay, dapat deserve ko yun.
actually, may isa nga akong tf na gusto kong ibalik eh kasi hindi ko nakuha yung gusto ng isang tao.
kaya lang, sabi nga ng isa kong friend, ganoon daw talaga yun.
minsan, hindi mo talaga nakukuha but it doesn't mean, hihinto ka na lang.
dapat lumaban pa rin.

kaya eto, still fighting.
still going.

ah..basta!
ang sa akin lang, maliit o malaki man ang tf ko, ayoko pa ring makalimot sa mga bagay na dapat mas pinahahalagahan ko - pamilya, kaibigan at higit sa lahat - sa Dios.

inaamin ko naman, ever since nung January, actually October last year, naging busy ako masyado sa work. talagang binuhos ko ang lahat sa trabaho to the point na I don't pray at night. and it sucks tapos hindi ko pa rin tinatama yung relationship ko with God.

pero these days, I am glad na after that sad incident in my life, ang dami kong na-realized but mainly, ang una ko talagang naisip, "di bale nang ganto, basta close ako kay God. Yun ang importante naman. Di naman niya ako pababayaan basta gawin ko lang yung dapat kong gawin."

1 comment:

  1. tama, sabi nga money has no value it's just a means of exchange..

    you'll get through this...

    -geng pala ito ha. wala kasi ako gmail kaya kay Ong ang gamit ko

    ReplyDelete