Tuesday, May 24, 2011

< 3

may mahal ako.
pero ang masakit, hindi niya ako mahal.
ang sakit-sakit.
sa totoo lang, hindi ko talaga nilalabas ang tunay kong nararamdaman sa mga tao.
kasi alam kong pagtatawanan lang nila ako.
kasi iba naman daw ang gusto ko.

pero shet silang silang lahat!
hindi nila alam kung ano ang nasa puso ko.
minsan, gusto ko na lang biglang sumigaw at ipagsigawan kung gaano ko kamahal ang mahal ko.
pero wala namang mangyayari.
kasi iiyak lang naman ako.
katulad ngayon.
kaya ayokong nanonood ng mga emo movies kasi alam ko na makikita ko roon ang sarili ko.

ewan ko, para akong tanga.
lahat talaga ginagawa ko para sa kanya.
lahat binibigay ko para sa kanya.
pero nakakapagod kasi dahil kulang ako.
at dahil kahit anong gawin ko, hindi naman ako.
wala naman ako.

pero dahil sa mahal ko siya, wala na rin naman akong pakialam kung sa bandang huli, hindi rin naman ako ang piliin niya o mahalin niya.
tama na rin sa akin ito.
basta ang importante, mapasiya ko siya kahit sa maliit na bagay lamang.

tangna. ganoon ko yata siya kamahal.

No comments:

Post a Comment