Monday, December 5, 2011

ERA '97 & '01 POOL PARTY IS ON DEC. 20


Oha!
Another year has passed.
At eto na naman tayo, isang get-together ng ating batch.
Sa mga nagtatanong at worried sa mga activities natin, don’t worry po, gumagalaw ‘yan.
Di ko lamang kayo ma-update masyado dahil busy po ako at ang karamihan pero may nangyayari dun.
Approved na po yung letter. nasa canvassing period po tayo kaya yung natira nating pera last year ay talagang merong patutunguhan.
And as for the party…

It’s gonna be on December 20, 2011, TUESDAY.
8pm to 6am dahil pool party po ito.
But they also have billiards and videoke.
Sa mga gusto namang mag-swimsuit, go!
Pero di naman siya required.
Please bring food na lang po dahil potluck ito.
Sa mga tamad magdala, magreact na lang kayo sa group page natin dahil may naisip na tayong solusyon dyan.
and for the entrance fee - kindly bring 300 pesos. 
Yung sobra po dyan ay idadagdag po sa budget ng 2 projector na ido-donate po natin sa school.
hopefully, sa january o february ay talagang ma-process na...at kung nagtatanong po kayo kung nasaan ang pera, nasa treasurer po natin at anytime kung may reklamo po kayo at tayo ay pwede naming ipakita sa inyo ang gastos dahil naka-black and white. in fact, yung pera nating 7k last year ay di pa nagagalaw. at anytime, pag tapos nang magcanvass at ma-approve tayo ng school ay pwede na tayong makapagdonate ng napagbotohan natin earlier this year. pasensya na po kung mabagal, busy lang po talaga tayo at first time rin natin sa ganitong process. nangangapa pa tayo.

Importante po ang reunion na ito dahil dito na rin tatalakayin ang CAREER ORIENTATION SEMINAR PROJECT natin na gaganapin sa Pebrero para sa high school department. Ano ba itong seminar project na ito? Program po ito kung saan, we will discuss possible career options sa mga graduating students. Para naman makatulong tayo sa kanila na magdecide kung anong kurso ang kanilang kukunin sa kolehiyo.

So, di lamang tayo magpa-party ngayon. But this time, meeting na rin natin ito.
Again, mag-iimbita tayo ng mga teachers.
Below is the link of location map at ito po ang address - #23 Tambis St. Area 9, Luzon Avenue. Commonweath, Diliman QC. Private house po ito.

Thanks and kitakits tayo.

2 comments:

  1. ummm... guys paki txt na lng me kc i changed my num nawala kc ung phone ko na my num niu... 09491622228

    ReplyDelete