Monday, August 22, 2011

proposals, proposals and proposals...we can do this, batchmates

Hi, guys!
Una sa lahat, gusto ko munang sabihin sa inyo na natutuwa ang mga teachers natin sa ginagawa natin. And I quote Sir Rey Ramos - "That's nice of you to think about us." and Ma'am Supan, "Mabuti naman at naisip n'yo yan." and of course, Ma'am Magno - "Kailangan talaga yan ng eskwelahan,"

So, now that may go signal na tayo from them at nailatag ko na sa kanila ang mga proposals at napayuhan na nila na tayo ng mga gagawin ay ituloy na natin ito. Wag na tayong umurong. This is it. Kaya eto ang mga gagawin nating hakbang.

Sa mga projects.
1. Bago tayo makapagbigay ng projectors, kailangan muna nating magsulat ng letter of intent. Kasama sa intent na ito ang list of activities and mechanics na gagawin natin.
 - donation of instructional materials, kasama dito ang model at kung magkano ba (tig-isang projector sa elementary at high school, 5 volleyballs at 5 basketballs at tig-isang dvd player sa elementary at high school)
- career orientation na naka-set na sa january (Ma'am Supan liked this idea.)
- tree planting with the incoming GSP and BSP officers to be led by their past officers at tinatawagan ko na rin ng pansin ang former cadet officers. kailangan ng suporta ng GSP at BSP with this one.

*yan na lang muna, saka na tayo mag-medical mission, charity, fun run atbp dahil masyadong malalaki ang proyekto na yun and we need time for these bigger things.

2. Once na natapos nating gawin ang letter of intent at maipasa ang mga proyekto natin, kailangang pirmahan ito ng mga officers, meaning lahat ng nakasulat sa baba ay kailangan po ang inyong pirma para maipasa ang ating sulat sa elementary at high school department.
- Karen Lustica
- Christine Leneth Amay
- Lady lyn Paras
- Julius Apud
- Eden Ruth Lamina
- Mark Joseph Obra
- Vincent Yamzon
- Angelica Mariano
- Jen Ancheta
- Ino Casado
- Gem Corong
- Sheila Vanessa Boller
- Marianne Luna
- Heide Canlas
- Rejie Puyat
- Jen Visalez

after that, sasamahan ang sulat na iyon ng supporting documents mula sa principals na ipapasa naman sa auditor at pagkatapos ay ibibigay sa Central.


Sa mga officers.
1. One of these days, we all need to go to the school to formalize our alumni org. Magkakaroon din tayo ng oath taking para opisyal na kilalanin na ang batch natin. They said, ilalagay daw ito sa school newspaper. But then, malayo pa naman iyon. Ang importanteng unahin natin sa ngayon ay ang letter of intent which is ipapagawa ko na kay Julius Apud bilang siya naman ang secretary ng batch natin.

So there, that's the latest news about this and we are all hoping na by the end of Sept ay maipasa na ang letter of intent (huwaw! ang tagal naman, siyempre, nag-allot na rin ako ng duration sa signature route)

And about sa funding, magkakaroon pa rin tayo ng meeting on this, naghahanap ng libreng araw para you know, magpunta sa bangko and sign papers para dun ipapasok ang pondo at walang pwedeng maki-withdraw noon unless present ang mga lahat ng signatories.

and again, batchmates....kung magkano man ang laman ng fund natin at kung magkano man ang nagagastos at magagastos pa natin ay ilalatag din sa blog na ito para transparent sa lahat. AS OF NOW, I BELIEVE NA ANG PERANG TINATAGO NI EDEN AY NASA 7,200 PESOS. YUN ANG PERANG NAIWAN NUNG NAGPARTY TAYO LAST DECEMBER. NAKABAWAS NA DOON YUNG BAYAD NATIN SA VENUE, 60 PESOS NA TIP SA WAITER AT MGA CAKES NA BINILI NATIN FOR THE TEACHERS.

so, I am assuring you na walang lokohan na mangyayari dito. at magkakaroon lang tayo ng contribution pag may dapat na tayong gagastusin. Example, kailangan ng bumili ng mga ido-donate. dun lang pwede mag-contribute. kung tapos na ang project ay close na ang contribution. kung anuman ang matira ay savings na natin yun (which we will post here) for the next project which is the career orientation. ganito ang magiging sistema natin para hindi tayo naghuhulog nang naghuhulog. in that way, namo-monitor natin ang lahat at walang overflow ng cash.

okay, that's it...for more suggestions, you can post here, you can text me, email me. you can talk to the other officers. welcome po lahat ng idea ninyo at kung may questions at reaksyon kayo tungkol sa mga pinagsasabi ko like may hindi kayo nagustuhan o nais linawin, open po ako to explain.

thank you and good night to all.

No comments:

Post a Comment