pasado na alas kwatro.
magsusulat na dapat ako pero all of a sudden, na-feel ko na namang mag-blog.
natatandaan ko nung bata pa ako. grade 2 ako nun.
una kong pangarap talaga ang maging lawyer pero ayaw ni papa hanggang ngayon kasi malapit na raw akong masiraan ng bait.
well, may point si papa doon dahil nagsasalita na nga ako minsan nang mag-isa.
kasi naman, nagsusulat ako eh.
at feel na feel kong mag-emote habang nagsusulat so ayun, i talked to myself a lot.
i think out loud pa minsan kahit hindi na ko nagsusulat.
wala lang. maybe it's a habit na rin bigla. weird noh.
pero anyway, concern si papa pagdating sa aking mental ability.
for one thing, hindi niya ko pinayagang mag-UP dahil magiging aktibista ako (at tama siya doon! dahil naging member talaga ako ng ANAKPAWIS!) and there, again, masisiraan daw ako ng bait sa pag-aaral.
so ayun, until now, hanging by a moment pa rin ang pag-aaral ko ng law.
and to be honest, i feel sad about it kasi i really wanted to.
i just need my papa's blessing na hello, hindi naman ako magiging siraulo noh!
i just want to be a lawyer.
but then, dumating ang grade 6 at na-adik ako sa mga soaps! at essays! at newswriting! at directing!
nahanap ko ang true love ko at pagsusulat iyon.
sabi ko nung grade 6 ako habang nanonood ako ng Villa Quintana, someday, i will meet RJ Nuevas and i did.
at sabi ko, someday, i will see my name in the paper and yes, I did.
at sabi ko, someday, i will hear my name over the radio and I did.
at sabi ko, someday, i will see my name on TV and I did.
at sabi ko, someday, i will see my name sa highway...hahahahaha...I might or I might not see my name.
di ko alam kung makikita ko pa ang pangalan ko sa EDSA pero kasi sobra ang kompetisyon sa work ko.
na minsan, nakakasira na talaga ng bait.
all the deadlines, naku, kung di ka marunong mag-manage ng time. patay ka.
and each day, i am learning a new technique of disciplining myself.
siguro nasasabi ko lang ito kasi gumagawa ako ng excuse sa sarili ko na baka nga hindi na ko magkaron ng opportunidad na makita ang pangalan ko sa EDSA para hindi ako ma-hurt...hahahahahaha...
but no, i am not making an excuse.
it's just that, last week, sumamba ako sa lokal ng Capitol...
at bago ako nakarating doon, iniisip ko yung checklist ng things to do ko...
at sabi ko, shet, dami ko pala gagawin pero kaya ko ito.
tapos, pagpasok ko ng kapilya, siyempre sumamba ako, yung prayer after ng sermon, na-touch ako sa panalangin ng ministro. sabi kasi niya, "Ama, sana pagdating ng araw, nandyan pa rin ang mga pangalan namin sa aklat ng buhay sa langit para makakaasa kami na maliligtas kami."
ayan, naiyak tuloy ako ngayon. ang ganda ng panalangin ng ministro.
at habang nananalangin, naisip ko, here i am, nag-iisip ng checklist ko, nag-iisip kung makakapag-aral pa ba ako ng law, nag-iisip kung kelan ako magsusulat ulit sa TV at nag-iisip kung matutupad ko pa ba na makita ang name ko sa billboard sa highway when hindi ko dapat yun iniisip!
mas dapat kong isipin na by the end of the day, when i die, when the world ends...
sigurado bang nakasulat ang pangalan ko sa langit?
of course, nakasulat naman kasi hinandog ako.
pero the point is, i must make sure na kapag natapos na ang lahat, andun pa rin ang pangalan ko sa langit.
kaya yang dream ko na makita ko ang name ko sa highway, hindi na siya yung malaking dream for me na tipong i will jump over a bridge so i can have my name printed sa billboard. NO na.
mas importante pa rin yung spiritual na aspeto ng buhay kasi yun yung forever and till death na madadala mo.
yung name sa TV, radyo etc etc, hindi yan madadala sa libingan o kahit sa langit.
pero yung kapag maghukom na at tinawag ka ni Cristo dahil ligtas ka!
iba yun! iba yun! at hindi mo yun pwedeng ipagpalit!
pagtitinginan ka ng lahat ng tao, past at present dahil kasali ka sa tiket papuntang langit!
at maalala ka nila dahil kasama ka pala sa mga maliligtas!
kaya kung dito, panay ang lungkot o iyak ko at puro temporary ang happiness ko dahil di ko alam kung kelan ako ulit magsusulat at di ko alam kung papayagan na ba ako ni papa na mag-law. aba, anak ng tokwa! someday, hehe...magiging happy talaga ako dahil ligtas ako dahil nakasulat ang pangalan ko sa langit.
No comments:
Post a Comment