Sa aming magkakapatid or sige na nga, sa pamilya namin, ako yung pinakamdaling magpanic kapag may nagkakasakit sa isa sa amin. May wish kasi ako na if ever may mauna sa amin, sana ako. i cannot bear the feeling kasi of losing someone kaya gusto ako ang mauna and besides, I wanted to die young. Wala lang, gusto ko lang. selfish ko noh?
Pero hindi yan ang topic ko ngayon, dahil ang topic ko ay ang pagiging panicky at oa ko kapag may nagkakasakit sa amin. ayoko kasi na nakikitang nahihirapan sina mama, papa, babs o dada. Siyempre, sino ba naman ang may gusto na nakikita ang mahal niya sa buhay na naghihirap, di ba?! Kaya ayun, ilang gabi akong restless at hindi nakakatulog nang maayos. Madalas natutulala ako bigla at naiiyak na lang pero pinipigilan ko sa mga nakakaharap kong tao.
Naalala ko tuloy nun. Wala naman talaga akong asthma pero nagka-asthma ako nung nagkaroon ng problema si babs na matindi. Literal na di ako natutulog, that's a week yata at hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na nakayanan ko iyon. It hurts me until now na i failed protecting my sister. Ayan, shet, naiyak na naman ako. Buti mag-isa lang ako sa kwarto. Pero sabi naman ni queenie, alam na yun ng Dios at ipaubaya ko na lang sa Kanya dahil alam naman Niya ang laman ng puso ng bawat isa sa amin that time. Dahil sa hindi ko pagtulog nun, ayun, bigla na lang akong nagkasakit at hindi makahinga nang maayos. At lalo akong natakot dahil akala ko ay may broncho na ako...yun pala ay asthma. Kung hindi ko pa pinilit si papa nun na dalhin ako sa ospital, tepok na raw ako sabi ni dok on the next day. Buti na lang hindi pa ako namatay dahil that time, nagmi-meeting pa ako ng rosalinda sa pancake house.
Nung nagkasakit si dada ng uti, hindi rin ako natulog nun kasi binabantayan ko siya. Mataas kasi ang lagnat niya kaya lagi ko siyang sinisilip kung humihinga pa ba siya. Ewan ko ba sa kapatid kong yan! Matigas ang ulo, ayaw umihi kaya nagkakasakit tuloy. Ilang beses ko nang sinasabi na hindi importante yang pagtatype niya sa coputer screen niya, mas importante pa rin ang umihi.
Two years ago, si papa naman ang nagkasakit. Yun talaga, nahirapan akong tanggapin na magkakasakit si father nature kasi hindi siya nakakabangon nang maayos etc. As in, ramdam ko talaga ang paghihirap niya to the point na ayaw niya pang magpatingin kaya sinigawan ko na siya na kung gusto niyang mamatay eh di go ahead. Napikon na kasi ako sa tigas ng ulo niya. Nakipag-away pa ko sa isang mayabang at pangit na lalaki sa may atm machine dahil siya lang ang ayaw magpasingit s pila eh kailangan na nga ng tatay ko ng pera para sa operasyon. Badtrip talaga kung sinuman yung tao na yun. Pero hayaan na natin siya dahil nakasingit pa rin naman ako. Hehehe...
And ayun, these days, the usual, hinihika ako ngayon dahil na-stress ako sa nanay ko. Buti na lang at okay na rin siya. Hindi naman major operation pero talagang kinabahan ako kasi akala namin ay nasa loob ng skull niya ang bukol. That would be really..i don't knoe..ewan ko na kung ano pero thank God dahil may habag pa rin siya sa pamilya namin at hindi na Niya kami pinadaan pa sa ganoong pagsubok.
Ayun, medyo oks na ulit ang family ngayon. Natutulog na si mama at nakainom na siya ng gamot. Nanonood sina dada at babs ng munting heredera at siyempre, ako, nagbabasa ng libro at tinatapos yung dapat kong tapusin para sa trabaho ko. Hay, yung kulang ko lang kasi yung simula eh..hindi tuloy ako maka-move on...pero di bale, i know matatapos ko rin ito.
S
No comments:
Post a Comment