Hindi talaga ako mahilig pumunta ng mga lamay kasi nakaka-depress siya. Masyadong malungkot ang atmosphere pero di ko rin alam kung bakit punta pa rin ako ng punta. Siguro kasi ay dahil sa may nagyayaya sa akin na pumunta kaya ako naman ako pumupunta.
Like tonight, pumunta ako kay Ka Shirley. Although depressed ako today kasi ang daming sad news na dumating sa buhay ko.
One: Di natuloy ang wini-wish ko. (secret muna)
Two: Di natuloy ang lakad namin ni Elise.
Three: Nag-away na naman kami ni Dada.
Four: Wala na si Ka Shirley Vasquez.
Pero hindi ko na idi-discuss pa yung tatlo. Yung si Ka Shirley na lang. Gusto ko na sa araw na ito ay bigyan ko siya ng tribute. Alam n'yo si Ka Shirley, tahimik lang yan na tao. Taga-finance siya at sa p-13 siya. tapos lagi siyang naka-ponytail at may sukbit na bag. Mabait siya at babatiin ka lang niya kapag binati mo siya pero she was a very approachable person. Warm lagi ang smile niya sa mga tao.
Hindi ko siya makakalimutan kasi kahit hindi kami naging close ni Ka Shirley ay alam kong mabuti siyang tao at hindi siya madaldal. Katulad nga ng sinabi ko, tahimik lang siya. Actually, I never knew her until nagkaroon kami ng party kina Ka Susan; tahimik lang siya nun tapos pinapirma namin siya ng papel claiming na suguan yun or attendance para sa party. Natawa ako bigla kasi bigla siyang ngumiti na para bang nagulat at na-touched kasi kasama siya sa party na nung una ay selective lang talaga ang pupunta.
And then, nung andun kami kina Ka Susan, she kept on smiling at me and teasing me kasi naka-tatlong glasses na ko ng wine. Sa tingin ko, hindi ko makakalimutan ang moment na yun dahil feeling ko ay napakaswerte dahil sa unting panahon ay nakilala ko kahit kaunti si Ka Shirley - isa pala siyang cool na tao unlike nung iba na pakunwari pa na hindi nagwa-wine pero puno naman ang bahay nila ng wine. Echos kayo! Hindi ko sinasabi na uncool ang mga taong hindi nagwa-wine. All I am saying is hindi plastik si Ka Shirley.
And for that, I like her. Hindi ko na siya sinilip pa sa huli niyang hantungan. I wanna remember her face. Gusto kong maalala yung nakangiti siya sa akin habang sumigaw ako ng cheers. Mas gusto kong alalahanin si Ka Shirley na sa tuwing natatawa ay nagtatakip ng panyo sa kanyang bibig. Gusto ko siyang alalahanin sa tuwing naglalagak siya ay pinagpapawisan siya sa init pero hindi siya nagreklamo. Gusto kong alalahanin si ka Shirley dahil kahit sa huling saglit ng kanyang buhay ay sinikap pa rin niyang makasamba; pinahalagahan niya ang kanyang tungkulin at sa bata niyang edad na 39; alam ko na balang araw ay isa siya sa mga Kapatid ko na makikita ko na makakasalubong si Cristo kapag dumating na ang araw ng paghuhukom.
Sana kapag dumating na rin ang araw ay maging katulad din ako ni ka Shirley (pero wag naman sana leukemia noh) na lumaban para mabuhay; sumuko para sa kanyang pamilya at buong puso na tinanggap na hanggang dun lang siya at hindi tumigil sa pagtupad ng tungkulin.
Ka Shirley, bago ako matulog ay magvo-vodkha muna ako at itatataas ko ang baso ko at sasabihing, "Mabuhay ka at see you soon!"
No comments:
Post a Comment