WHY I HATE AND LOVE VINCENT YAMZON?
Two years ago, nangako ako kay Vincent na may isusulat ako tungkol sa kanya kaya lang nalimutan ko na yung mga passwords ko sa previous blogs ko kaya magsusulat na lang ako ulit ng bago.
First, gusto kong malaman ng lahat na I HATE VINCENT! Sa totoo lang, lagi kaming nag-aaway. Paano kasi ay ayaw niyang magpatalo. Lagi niyang pinipilit kung ano ang nasa isip niya na minsan ay nakakatuwa pero madalas naiinis ako kasi alam kong may punto siya. So para hindi kami mag-away ay may ginagawa akong technique (secret) para pumayag siya sa naisip ko.
Naalala ko nun na nag-away pa kami kasi ayaw niyang suotin yung costume sa play. Madalas din kaming magbanggaan kasi ayaw niya pang aminin na hindi niya dala ang notebook niya ay kailangan kong i-check yun dahil pinapa-check sa akin ng teacher namin. Pati design ng jersey ay pinagtalunan namin. Sa isang bagay lang yata kami nagkasundo – ano ba ang team name ng section – Elijah cool ba o Elijah heat? Pareho naming gusto ang Elijah heat kasi naman kung Elijah cool ay baka ma-CSDE na naman kami. Pero ang nakakatawa ay hindi natuloy ang jersey na yun. Sayang, I think mag-a-apir kami ni Vincent kung natuloy yun.
Si Vincent, napakayabang din ng taong yan. To the point na siya na lang yung topic ng usapan na parang hindi siya interesado sa buhay ng kausap niya. Narcissist siya at napakahilig maglaro ng basketball. Hindi lilipas ang isang linggo na hindi siya naglalaro ng basketball.
Lagi rin siyang late sa klase kahit na siya ang may pinakamalapit na bahay sa lahat. Trapik daw pero ang totoo ay late siyang matulog kaya late rin siyang magising. Ang pangit din ng penmanship ni Vincent. Di ko naiintindihan ang spelling niya kapag nag-e-exchange papers kaya madalas, zero na lang ang binibigay kong score sa kanya at pagkatapos nun ay mag-aaway na naman kami.
Ayaw din niyang makisama sa mga reunions. Isa siyang nega at laging nagtataas ng kilay kapag niyaya namin na manood ng sine. Pero magugulat ka na lang dahil paglingon mo ay nandoon na pala siya. Dalawang beses lang niya na ginawa yun at pagkatapos ay deadma na siya sa friendship ulit.
PERO ANG LAHAT NG IYAN AY NABAGO…
Truth be told, malaki ang pinagbago ni Vincent. Iba ang Vincent noon na nakilala ko sa Vincent na kilala ko ngayon. At masasabi ko na isa ako sa mga major fans ni Vincent.
Kung dati ay walang direksyon ang buhay niya, ngayon ay mina-manage na niya ang sarili niyang business. From a feeble mind, Vincent became a dreamer and man of actions. Hindi siya natakot na mag-risk at binuo niya kung ano ang nasa isip niya. Unlike dati na nakikisabay lang siya sa alon ng buhay. Kung nasan ang fun ay nandon siya pero ngayon ay naging responsible na siyang party person. Vincent became more loose but nag-mature siya in many, many ways.
Totoo nga na people change but I am happy to say that Vincent turned out to be a better man. Well, sabagay dati, nairita ako sa kanya dahil siya lang ang nakasagot sa tanong ni Ma’am Vergara kung ano ang metro na ginagamit ng mga sasakyan para malaman kung ilang kilometers na ang natatakbo nito. Vincent answered speedometer and from that time on, I admired him dahil sa tingin ko ay matalino siya pero hindi lang nabibigyan ng pansin.
I always tease Vincent na isa siyang sensi boy dahil kahit para siyang si Narcissus kung minsan, he has a very soft side. Gentleman siyang tao at kahit pagod na siya ay pakikinggan ka pa rin niya. Magpapayo siya na hindi ka maiinis and he will inspire you to do best things. Imagine, sabi niya, “Alam mo dapat nagpapaturo kang magluto sa nanay mo eh kasi knowledge yun.” Infairness, he’s right. Isa yun sa mga knowledge na ipapasa ng magulang mo sa’yo at special ang knowledge nay un dahil galing yun sa magulang mo.
Sa mga nagsasabi na hindi pa umiiyak si Vincent dahil sa pag-ibig, hahahahaha kayo dahil ibang klase magmahal si Vincent. Kahit napaka-cheesy ng mga lines niya na kulang na lang ay tumawag ako sa Greenwich para gawin siyang Creative Consultant for Dialogues; kung mahal ka ni Vincent ay hindi siya mahihiya na iyakan ka dahil mahal ka niya. At para sa akin, hindi yun kabadingan! Ang pag-iyak ng isang lalake dahil nagmahal siya ng todo (kaibigan, pamilya man o intimate partner) ay kasaludo-saludo. Imagine, nagulat na lang ako nang biglang tumulo ang luha ni Vincent. He really did loved that girl but sadly, they were not meant to be. (Di bale, pre, may nakatalaga talaga para sa’yo).
Another thing about Vincent, kung dati ay deadma siya sa mga lakaran. Siya lagi ang nagsasabi na “oo at hindi” lang naman ang sagot. Minsan lang naman daw magkita-kita kaya sa mga gatherings ay dapat naman talagang magpunta.
Nakakatuwa si Vincent. Gusto ko tuloy siyang sabitan ng sampaguita dahil totoo siyang tao. Sasabihin niya kung ano ang tingin niya sa’yo at hindi siya magsisinungaling. He can be blunt. His words can be hurtful and yes, we still fight but in the end, he’s always willing to wave a white flag and forgive me for all my kagagahans in life.
P.S. sa next summer, mag-a-anawangin ang Elijah at sana ay andun ka na. Kapag wala ka ay wag na tayong mag-summer tour ever! at sana ay di ka magalit dahil nabanggit ko dito na iyakin ka.
No comments:
Post a Comment