Sunday, December 5, 2010

Seven things to do at the '97 and '01 party (the unofficial reunion)

Oo, ilang araw na lang at eto na magkikita-kita na tayo after ilang years ba? 10 years?! 20 years?! Ang tagal na rin pala. Marami na ang excited sa atin at yung mga nasa ibang bansa; for sure, gusto rin nilang sumama pero hindi sila makakarating. Pero okay lang iyon, there is always a next time. Sa ngayon, ang goal muna natin ay magkaroon tayo ng connection. Importante kasi yun para in the near future ay mas maayos pa natin.

Pero teka, ano nga ba ang maaasahan natin sa dec. 19? Ano ba ang makikita natin besides sa ating mga forever friends, mga crushes, mga ex na dinurog ang ating puso, mga sweethearts na hindi natin akalain na makakatuluyan pala natin (sweet!), mga dating kaaway na nagbati na tapos ngayon ay kaaway pa rin pala (hahahaha..natawa ako talaga nang bongga! well, maraming ganyan sa atin at nagpapakatotoo lang ako!), sa ating pinakamamahal na mga teachers na humubog sa ating pagkatao (kung wala sila, marahil ay hindi natin na-enjoy ang school life), sa mga pagkain at inuming iced tea (daw!?) ?!

Ano nga ba ang mangyayari sa dec. 19?
Well, ito ang listahan ng Seven things to do at the '97 and '01 party (the unofficial reunion).



  1. Bring a 300 pesos worth of exchange gift kung gusto mong sumali sa exchange gift. Kung hindi naman ay okay lang din or please, please join # 6. Thanks!
  2. Magdala ka ng camera or videocam at magsawa sa kaka-document ng mga itsura at gagawin ng mga tao sa party. Kung wala kang camera at videocam, makipose ka na lang sa mga may meron pagkatapos ay kulitin mo sila nang kulitin na i-tag ka sa fb.
  3. Wag mong kalimutang magdala ng contribution for the party. As of now, standard muna ang 600 pesos for the food and venue.
  4. Wag kang iinunom ng malamig na tubig. Iwasan ang sumigaw dahil sa araw na ito ay baka ma-feel mong kumanta tapos walang boses na lumabas sa bibig mo. In short, take care of your voice dahil may videoke tayo.
  5. Magsuot ng something na feeling mo ay bongga dahil may prizes for this. Hindi kailangang mag-gown. Ang hinahanap ko ay isang taong confident at walang pakialam kung anong suot niya dahil carry niya yun.. NOTE: ALLAN CADAY, WAG KAG MAGHUHUBAD SA PARTY!
  6. Magdala ng isang bagay na hindi mo na kailangan, pwedeng cheap but sentimental tulad ng stuff toys, pwedeng mahal tulad ng Ipad or pwedeng cheap like isang gamit na medyas. Para saan ba ito? Para ito sa white elephant exchange gifts natin. Magpapalitan din tayo ng mga "used presents". Pero bakit? May prize na rin sa akin ang pinaka-creative na white elephant gift. (cute kasi ito and I got this idea from my bosses)
  7. HINDI KO PA ALAM DAHIL HINDI KO PA NAFA-FINALIZE ANG PROGRAM. SUGGESTIONS ARE VERY OPEN. YOU, GUYS, KNOW MY NUMBER PERO PAG TINEXT N'YO KO, PLEASE MAGPAKILALA PO KAYO. 

Sa ngayon ay yan na lang muna and I will keep you posted for more!
Sa mga pupunta pa, please TEXT US..
Thank you =)

No comments:

Post a Comment