Sunday, July 24, 2011

nakasulat ang pangalan ko sa langit

pasado na alas kwatro.
magsusulat na dapat ako pero all of a sudden, na-feel ko na namang mag-blog.
natatandaan ko nung bata pa ako. grade 2 ako nun.
una kong pangarap talaga ang maging lawyer pero ayaw ni papa hanggang ngayon kasi malapit na raw akong masiraan ng bait.
well, may point si papa doon dahil nagsasalita na nga ako minsan nang mag-isa.
kasi naman, nagsusulat ako eh.
at feel na feel kong mag-emote habang nagsusulat so ayun, i talked to myself a lot.
i think out loud pa minsan kahit hindi na ko nagsusulat.
wala lang. maybe it's a habit na rin bigla. weird noh.
pero anyway, concern si papa pagdating sa aking mental ability.
for one thing, hindi niya ko pinayagang mag-UP dahil magiging aktibista ako (at tama siya doon! dahil naging member talaga ako ng ANAKPAWIS!) and there, again, masisiraan daw ako ng bait sa pag-aaral.
so ayun, until now, hanging by a moment pa rin ang pag-aaral ko ng law.
and to be honest, i feel sad about it kasi i really wanted to.
i just need my papa's blessing na hello, hindi naman ako magiging siraulo noh!
i just want to be a lawyer.

but then, dumating ang grade 6 at na-adik ako sa mga soaps! at essays! at newswriting! at directing!
nahanap ko ang true love ko at pagsusulat iyon.
sabi ko nung grade 6 ako habang nanonood ako ng Villa Quintana, someday, i will meet RJ Nuevas and i did.
at sabi ko, someday, i will see my name in the paper and yes, I did.
at sabi ko, someday, i will hear my name over the radio and I did.
at sabi ko, someday, i will see my name on TV and I did.
at sabi ko, someday, i will see my name sa highway...hahahahaha...I might or I might not see my name.

di ko alam kung makikita ko pa ang pangalan ko sa EDSA pero kasi sobra ang kompetisyon sa work ko.
na minsan, nakakasira na talaga ng bait.
all the deadlines, naku, kung di ka marunong mag-manage ng time. patay ka.
and each day, i am learning a new technique of disciplining myself.
siguro nasasabi ko lang ito kasi gumagawa ako ng excuse sa sarili ko na baka nga hindi na ko magkaron ng opportunidad na makita ang pangalan ko sa EDSA para hindi ako ma-hurt...hahahahahaha...
but no, i am not making an excuse.
it's just that, last week, sumamba ako sa lokal ng Capitol...
at bago ako nakarating doon, iniisip ko yung checklist ng things to do ko...
at sabi ko, shet, dami ko pala gagawin pero kaya ko ito.
tapos, pagpasok ko ng kapilya, siyempre sumamba ako, yung prayer after ng sermon, na-touch ako sa panalangin ng ministro. sabi kasi niya, "Ama, sana pagdating ng araw, nandyan pa rin ang mga pangalan namin sa aklat ng buhay sa langit para makakaasa kami na maliligtas kami."
ayan, naiyak tuloy ako ngayon. ang ganda ng panalangin ng ministro.
at habang nananalangin, naisip ko, here i am, nag-iisip ng checklist ko, nag-iisip kung makakapag-aral pa ba ako ng law, nag-iisip kung kelan ako magsusulat ulit sa TV at nag-iisip kung matutupad ko pa ba na makita ang name ko sa billboard sa highway when hindi ko dapat yun iniisip!
mas dapat kong isipin na by the end of the day, when i die, when the world ends...
sigurado bang nakasulat ang pangalan ko sa langit?
of course, nakasulat naman kasi hinandog ako.
pero the point is, i must make sure na kapag natapos na ang lahat, andun pa rin ang pangalan ko sa langit.
kaya yang dream ko na makita ko ang name ko sa highway, hindi na siya yung malaking dream for me na tipong i will jump over a bridge so i can have my name printed sa billboard. NO na.
mas importante pa rin yung spiritual na aspeto ng buhay kasi yun yung forever and till death na madadala mo.
yung name sa TV, radyo etc etc, hindi yan madadala sa libingan o kahit sa langit.
pero yung kapag maghukom na at tinawag ka ni Cristo dahil ligtas ka!
iba yun! iba yun! at hindi mo yun pwedeng ipagpalit!
pagtitinginan ka ng lahat ng tao, past at present dahil kasali ka sa tiket papuntang langit!
at maalala ka nila dahil kasama ka pala sa mga maliligtas!

kaya kung dito, panay ang lungkot o iyak ko at puro temporary ang happiness ko dahil di ko alam kung kelan ako ulit magsusulat at di ko alam kung papayagan na ba ako ni papa na mag-law. aba,  anak ng tokwa! someday, hehe...magiging happy talaga ako dahil ligtas ako dahil nakasulat ang pangalan ko sa langit.

Wednesday, July 13, 2011

Panic me

Sa aming magkakapatid or sige na nga, sa pamilya namin, ako yung pinakamdaling magpanic kapag may nagkakasakit sa isa sa amin. May wish kasi ako na if ever may mauna sa amin, sana ako. i cannot bear the feeling kasi of losing someone kaya gusto ako ang mauna and besides, I wanted to die young. Wala lang, gusto ko lang. selfish ko noh?

Pero hindi yan ang topic ko ngayon, dahil ang topic ko ay ang pagiging panicky at oa ko kapag may nagkakasakit sa amin. ayoko kasi na nakikitang nahihirapan sina mama, papa, babs o dada. Siyempre, sino ba naman ang may gusto na nakikita ang mahal niya sa buhay na naghihirap, di ba?! Kaya ayun, ilang gabi akong restless at hindi nakakatulog nang maayos. Madalas natutulala ako bigla at naiiyak na lang pero pinipigilan ko sa mga nakakaharap kong tao.

Naalala ko tuloy nun. Wala naman talaga akong asthma pero nagka-asthma ako nung nagkaroon ng problema si babs na matindi. Literal na di ako natutulog, that's a week yata at hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na nakayanan ko iyon. It hurts me until now na i failed protecting my sister. Ayan, shet, naiyak na naman ako. Buti mag-isa lang ako sa kwarto. Pero sabi naman ni queenie, alam na yun ng Dios at ipaubaya ko na lang sa Kanya dahil alam naman Niya ang laman ng puso ng bawat isa sa amin that time. Dahil sa hindi ko pagtulog nun, ayun, bigla na lang akong nagkasakit at hindi makahinga nang maayos. At lalo akong natakot dahil akala ko ay may broncho na ako...yun pala ay asthma. Kung hindi ko pa pinilit si papa nun na dalhin ako sa ospital, tepok na raw ako sabi ni dok on the next day. Buti na lang hindi pa ako namatay dahil that time, nagmi-meeting pa ako ng rosalinda sa pancake house.

Nung nagkasakit si dada ng uti, hindi rin ako natulog nun kasi binabantayan ko siya. Mataas kasi ang lagnat niya kaya lagi ko siyang sinisilip kung humihinga pa ba siya. Ewan ko ba sa kapatid kong yan! Matigas ang ulo, ayaw umihi kaya nagkakasakit tuloy. Ilang beses ko nang sinasabi na hindi importante yang pagtatype niya sa coputer screen niya, mas importante pa rin ang umihi.

Two years ago, si papa naman ang nagkasakit. Yun talaga, nahirapan akong tanggapin na magkakasakit si father nature kasi hindi siya nakakabangon nang maayos etc. As in, ramdam ko talaga ang paghihirap niya to the point na ayaw niya pang magpatingin kaya sinigawan ko na siya na kung gusto niyang mamatay eh di go ahead. Napikon na kasi ako sa tigas ng ulo niya. Nakipag-away pa ko sa isang mayabang at pangit na lalaki sa may atm machine dahil siya lang ang ayaw magpasingit s pila eh kailangan na nga ng tatay ko ng pera para sa operasyon. Badtrip talaga kung sinuman yung tao na yun. Pero hayaan na natin siya dahil nakasingit pa rin naman ako. Hehehe...

And ayun, these days, the usual, hinihika ako ngayon dahil na-stress ako sa nanay ko. Buti na lang at okay na rin siya. Hindi naman major operation pero talagang kinabahan ako kasi akala namin ay nasa loob ng skull niya ang bukol. That would be really..i don't knoe..ewan ko na kung ano pero thank God dahil may habag pa rin siya sa pamilya namin at hindi na Niya kami pinadaan pa sa ganoong pagsubok.

Ayun, medyo oks na ulit ang family ngayon. Natutulog na si mama at nakainom na siya ng gamot. Nanonood sina dada at babs ng munting heredera at siyempre, ako, nagbabasa ng libro at tinatapos yung dapat kong tapusin para sa trabaho ko. Hay, yung kulang ko lang kasi yung simula eh..hindi tuloy ako maka-move on...pero di bale, i know matatapos ko rin ito.


S

Friday, July 8, 2011

kulang pa ko ng 2 days

ewan ko ba. bakit ba kasi ako nag-volunteer magsulat?
ayan, ilang gabi na kong puyat.
pero ewan ko ba kasi kapag natutulog naman ako, umiikot naman ang imahinasyon ko.
napapanaginipan ko ang pagsusulat ko.
naririnig ko ang mga karakter sa kwento.
kaya ang ending.
ayun, pagkagising ko, parang di rin ako natulog dahil ang babaw ng tulog ko.

pero ayos lang.
kasi kailangan ko namang gawin talaga ito.
kailangan kong maramdaman na pagkatapos nito ay masaya na ko ulit kasi natapos ko siyang isulat.
well, masaya naman ako kahit na hindi ako natutulog or hindi ako nakakatulog nang matino.
as long as nagsusulat ako.

kaya kahit kulang pa ko ng two days ay hindi pa rin ako titigil hangga't hindi ko ito natatapos.
at sana okay siya.
at kung hindi man siya okay,
...hindi, magiging okay siya.

=)